Psalms 86

1Makinig ka, Yahweh, at sagutin mo ako, dahil ako ay mahirap at inapi. 2Pangalagaan mo ako, dahil ako ay matapat; aking Diyos, iligtas mo ang iyong lingkod na nagtitiwala sa iyo.

3Maawa ka sa akin, Panginoon, dahil ako ay tumatawag sa iyo buong araw. 4Pasayahin mo ang iyong lingkod, dahil sa iyo, Panginoon, ako nagdarasal.

5Ikaw, Panginoon, ay mabuti, at handang magpatawad, at nagpapakita ka ng malaking awa sa lahat ng tumatawag sa iyo. 6Yahweh, makinig ka sa aking panalangin, dinggin mo ang aking pagsamo. 7Sa araw ng aking kaguluhan tumatawag ako sa iyo, dahil sasagutin mo ako.

8Walang sinuman ang maihahambing sa iyo sa mga diyos, Panginoon. Walang mga gawa ang makakatulad sa mga ginawa mo. 9Lahat ng bansa na iyong ginawa ay pupunta at yuyuko sa iyo, Panginoon. Pararangalan nila ang iyong pangalan.

10Dahil ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay, ikaw lamang ang Diyos. 11Turuan mo ako ng iyong mga pamamaraan, Yahweh. At ako ay lalakad sa iyong katotohanan. Pag-isahin mo ang aking puso sa pagsamba sa iyo. 12Panginoon aking Diyos, pupurihin kita ng buong puso, luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailanman.

13Dahil dakila ang iyong katapatan sa tipan para sa akin, iniligtas mo ang aking buhay mula sa kailaliman ng sheol. 14O Diyos, ang mayayabang ay naghihimagsik laban sa akin. Ang isang pangkat ng marahas na mga lalaki ay nagbabanta sa aking buhay. Wala silang pagsasaalang-alang para sa iyo.

15Pero kayo, Panginoon, ay maawain at mabait na Diyos, matagal magalit, at sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan. 16Harapin mo ako at maawa ka sa akin, ibigay mo ang iyong kalakasan sa iyong lingkod; iligtas mo ang anak ng babaeng lingkod mo. Magpakita kayo sa akin ng tanda ng iyong pabor. Kung ganoon sinumang napopoot sa akin ay makikita ito at malalagay sa kahihiyan dahil ikaw, Yahweh, ang tumulong at umaliw sa akin.

17

Copyright information for TglULB